Bigat ng pakiramdam kapag pinag aawayan ang pera sa bahay
Parang iniipit ng compressor sa dibdib na para bang maiiyak na. Parang gusto mo na lang maglaho at biglang ireset yung buhay mo. Napakabigat ng pakiramdam sa tuwing mapag-aawayan sa bahay ang pera. Nakakalungkot isipin na kahit gaano mo kamahal ang mga kasama mo sa bahay at kahit gaano kataas ang respeto mo sa kanila, kapag pinag uusapan na ang pera, tila baga'y nawawala kapag inaapakan na nila ang ego mo. Isheshare ko lang sa inyo kung nao yung experience ko pagdating sa ganitong usapin. Sa dinami rami ng mga magmamaliit sa akin pagdating sa propesyon ko, eh yung nanay ko pa. Sobrang gusto ko nang umasenso sa buhay, maganda rin ang vision ng kumpanyang, kinabibilangan ko. Kaya lang, since nga 2 years pa lang ang kumpanya namin at hindi rin ganoon kalaki pa ang kinikita namin dahil hindi rin naman stable ang kita ng kumpanya. Sa totoo lang, yung masasabi ko lang na talagang portfolio ko sa kumpanya ever since na pumasok ako sa Digitalinnov eh yung pinakaunang project n...