Bigat ng pakiramdam kapag pinag aawayan ang pera sa bahay
Parang iniipit ng compressor sa dibdib na para bang maiiyak na. Parang gusto mo na lang maglaho at biglang ireset yung buhay mo.
Napakabigat ng pakiramdam sa tuwing mapag-aawayan sa bahay ang pera. Nakakalungkot isipin na kahit gaano mo kamahal ang mga kasama mo sa bahay at kahit gaano kataas ang respeto mo sa kanila, kapag pinag uusapan na ang pera, tila baga'y nawawala kapag inaapakan na nila ang ego mo.
Isheshare ko lang sa inyo kung nao yung experience ko pagdating sa ganitong usapin.
Sa dinami rami ng mga magmamaliit sa akin pagdating sa propesyon ko, eh yung nanay ko pa. Sobrang gusto ko nang umasenso sa buhay, maganda rin ang vision ng kumpanyang, kinabibilangan ko. Kaya lang, since nga 2 years pa lang ang kumpanya namin at hindi rin ganoon kalaki pa ang kinikita namin dahil hindi rin naman stable ang kita ng kumpanya. Sa totoo lang, yung masasabi ko lang na talagang portfolio ko sa kumpanya ever since na pumasok ako sa Digitalinnov eh yung pinakaunang project na naclose namin ng isa sa mga pioneer ng kumpanya na si kuya Brian. yung TSC website na sakto namang nagpagawa sa amin ng website before magkaroon ng mga lockdown. possitive naman ang kinalabasan pero talagang mahirap magconvert ng enrollees during pandemic.
Anyway, sa sobrang hirap ng pakiramdam, feeling ko nadedepress talaga ako. Feeling ko walang nakikinig sakin, feeling ko walang kwenta yung mga ginagawa ko. Isa sa pinaka ayaw kong ginagawa sa akin ay yung kinukumpara ako sa kung kani kaninong tao. Pinakamasakit na narinig ko sa nanay ko eh yung pagkumpara nya sakin at sa kapatid kong galing sa Japan na may maganda trabaho at malaking sahod. Nakakasira ng motivation, samantalang kaya lang naman hindi ako nakakaipon dahil sa ako yung sumalo ng responsibilidad sa bahay pagkamatay ng aming tatay nung 2018. Simula nun, ako na ang nagbabayad ng bills, at sinusubukan kong maki-ambag sa pagbabayad ng utang namin sa credit card dahil sa hospital bill ni erpats.
Gabi gabi, nananalangin ako sa Dios na bigyan ako ng lakas para malagpasan ang lahat ng ito. Hinihiling ko rin na magbigay sya ng sign o ng mga kakasangkapin para mapalakas ako sa mga panahong kagaya nito na nanghihina ako. Hindi rin nagtagal at binigyan ako ng Ama ng response sa pamamagitan ng isang taong naniniwala sakin at sa mga kaya kong gawin.
Ang ipinagpapasalamat ko lang nung mga panahong ito ay kasama ko si Roxie (girlfriend ko) sa isa sa pinakamadilim at mabigat kong sitwasyon sa buhay. Napatunayan kong sa gitna ng isang mabigat na problema, kailangan mo lang talaga ng taong maniniwala sayo at makikinig sa mga hinanakit mo sa buhay. Yung mararamdaman mong may tatanggap sayo kahit hindi ka pa ganun ka successful. Isa sa pinakagusto kong sinabi nya ay kahit hindi ako maging successful sa company ko, in case na tanggalin ako, mahal nya pa din ako at kahit wala ako sa kumpanya kong kinalalagyan at yumaman ito sa oras na maalis ako, sasamahan nya pa din ako.
Mahirap, magkaroon ng problema sa pera, lalo na yung emotional damage na magagawa nito sa iyo kapag ikaw na mismo yung inaasahan ng mga tao sa paligid mo. Kaya habang maaga, habang kaya mo, mag-ipon ka na at mag invest sa mga bagay na magbibigay sayo ng mga income. Ako, alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko makukuha agad yung pang-invest na kailangan ko para makapag ipon at mag invest sa mga bagay na magpapayaman sakin pero ayun nga, kailangan pa rin natin mag umpisa. Kahit maliit lang, basta ang mahalaga makapag umpisa. Ang una kong ininvestan ay Insurance na may investment na kabilang. May ilan din ako sa crypto, meron din ako sa Ginvest at Axie.
EDIT: 'sinulat ko to september 2021 pa'
ipupush ko na kasi mag blog ulit dahil gusto ko gumawa ng journal na kahit walang magbasa. If ever magagamit din ito to trace things in case may mangyari sakin or may kailangang malamang mahalagang impormasyon tungkol sa akin. Di naman ako magsisinungaling sa blogpost ko. Di ko nga lang ilalagay dito yung mga confidential na bagay. Baka siguro ilagay ko sa Journal app ko pero sa piling tao ko lang ibibigay yung pin ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento