Paano Manood sa Sinehan (1st timer's Guide)
Sa unang pagkakataon, nakapanood na din ako ng sine. Hindi naman pala ganon kahirap. Nakakatakot sya kapag wala ka pang experience dahil ang iisipin mo, "Hindi ko alam kung pano bumili ng ticket, baka mapahiya ako sa counter marami pa namang bumibiling kasabay ko".
STEPS KUNG PAANO MANOOD NG SINE:
- Magdecide kung anong papanoorin
- Para pagdating mo sa mall, diretso [ka na]/[na kayo] sa pagbili ng ticket.
- Pumunta sa mall na may sinehan
- Malamang... Alangan dun sa wala?
- Pumunta ka/kayo sa may counter kung san nagbebenta ng ticket
- Pag nandun ka na, sabihin mo lang yung movie na gusto mong panoorin.
- Siguraduhin mong aabot yung pera mo pambili ng ticket.
- Magbayad ka tapos pag nasuklian ka na, kung may sukli ka,
- Pumunta ka na sa loob ng sinehan
- Yung sinehan(CINEMA) kung saan ipalalabas yung pelikulang nais mong panoorin.
- Ibigay mo yung ticket dun sa nagbabantay sa entrance ng sinehan.
- i-scan nya yun tapos pupunitin nya, then ibabalik sayo.
Sa totoo lang, dahil first timer ako, nakaka-ilang bumili ng ticket. Pero dahil sa tulong ng kaibigan kong Ninja, nalagpasan ko ang takot sa pagbili ng ticket sa sinehan at panonood ng sine.
![]() |
Pitch Perfect 2 Cinema Ticket |
Dahil wala kaming maayos na camera, walang remembrance ng first time ko sa panonood ng sine. tanging ang larawan lamang ng ticket ang aking alaala.
Experience is the best teacher talaga.
Woah. Galing mo tol
TumugonBurahinHahahaha salamat tol. nakakatuwa may nagbasa ng post ko HAHHAHA
Burahinehehe natutuwa ako sa mga post mo haha
TumugonBurahinSaan po ba bands don yung bilihan ng ticket?
TumugonBurahinsalamat pare..first time ko lang sa maynila
TumugonBurahinHahahaha salamat sa post mo sobrang shy ko talaga sa mga ganito pati pag bili ng ticket hindi ko alam haha
TumugonBurahinSalamat sirr
TumugonBurahinniligtas nito ang buhay ko ! tol pano bumuli ng snacks ? kasi titira ako sa sinehan ehh, naglayas ako sa bahay namin
TumugonBurahinBWAHAHAHAHA Ngayon ko lang nabasa tong comment na to ahahaha laptrip.
BurahinAfter a long long time chineck ko tong blog ko may nagbabasa pala ahahahaha!
Bili ka lang din dun sa labas. Pero mas recommended kong bumili ka na lang sa labas ng mall. Ginto mga paninda sa sinehan.
Marami bang sine pre? Hindi pa ako nakapanood eh
TumugonBurahinmarami pre, iba iba din ang price depende sa gumawa at haba nung sine.
Burahin