Mga Bagay na Matututunan sa Paglalaro ng Minecraft
Simula nung unang week ng 2021, nagumpisa ang paglalaro namin sa office. Nag install kasi ng Tlauncher yung isa kong katrabaho tapos nagkanda-hawa hawa na. Umaabot pa sa time na madaling araw na nakakatulog. Pero hindi lang naman dahil sa paglalaro, pero dahil may hinihintay. ahahaha Madalas kasi inaabot na rin ng madaling aarw ang boss namin sa office. Syempre nakakahiya naman kung tutulugan namin. HAHAHAHA ineenjoy na lang namin yung time. Nakakahasa din kasi ng decision making skill yung paglalaro ng minecraft. Marami ding bagay na matututnan sa paglalaro ng minecraft:
Mga matututunan sa paglalaro ng minecraft
- Resource management
- Matututo kang magresearch at magresource management sa game. Kailangan mo kasing hanapin yung mga materials bago ka makapagcraft. Under din ng resource management is yung kung pano mo pagkakasyahin yung mga bagay sa loob ng inventory mo since hindi naman infinite ang pwede mong ilagay.
- Navigation
- Mas mahahasa kang magnavigate at mate-train yung isip mo sa pag-alala ng mga lugar na pinupuntahan mo dahil kapag hindi ka naging naviation savy, maliligaw at maliligaw ka sa world mo.
- Creativity
- in terms of creativity, magiging malaki ang impact nito sa'yo. Sa dami ng paraan kung pano mo pwedeng i-design ang bahay mo, lalabas at lalabas talaga nag pagiging creative mo. Sa design ng bahay at mga kulay na gagamitin mo.
- Teamwork
- Kailangan din ng teamwork sa minecraft! Pag may mga kasama ka, mas maganda kung kanya kanya kayo ng task. dapat meron kayong mga
- Farmer
- magtatanim at magdedesign ng bukid
- Animal Tamer
- ito naman yung mag-aalaga ng mga hayop na pwedeng source ng pagkain at source ng kung anu-anong items gaya ng leather, wool atbp.
- Jungler
- Ito yung mga naghahakot ng mga woods na necessary sa paggawa ng mga tools
- Miner
- Sila naman yung mga maghahakot ng mga resources galing sa ilalim ng lupa gaya ng coal, iron, gold, diamond atbp.
- Adventurer
- Sila naman yung mga mag-gagala at maghahanap ng mga importanteng tressures. Kagaya ng mga saddle. Wala kasing way para ma-craft yung saddle kaya dapat maghunt ng mga tressures or temples.
- Sila din yung mga maghuhunt ng mga items galing sa mga kalaban.
- Crafter
- Lahat naman kay eh crafter, pero pwede kayong mag-assign ng tao na yun lang ang gagawin nya, magcraft lang nang magcraft.
- Builders
- Sila naman yung mga bubuo ng mga structures kagaya ng mga bahay na pag-iistay-han ng mga kasama nyo.
- Depende na lang yan sa dami nyo. Kung hindi kayo ganun karami, mag-assign na lang kayo ng multiple task based sa mga bullets na nasa taas
Grabe ang daming naging pagbabago sa minecraft simula nung huli akong naglaro. Kung hindi ako nagkakamali, college pa ako nung huli kaming naglaro ng minecraft. Sa comlab ng STI sa elena pa kami naglalaro noon. Tinalo namin yung Ender Dragon AHAHAHAHa ang hirap hirap patayin pero ang totoo, si Raychard lang talaga yung nakaka-alam ng mga gagawin. Marami kaming natutunan sa kanya.
Kayo, may iba ba kayong natutunan na wala sa mga nasabi ko? ahahahha
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento